News

This section is empty.

Tags

The list of tags is empty.

#Annaliza

14/05/2013 20:33

Press Release: #Annaliza star Andrea Brillantes naging emotional sa pagharap sa mga advertisers

Hindi na nga napigilang umiyak ng risingteleserye princess na si Andrea Brillantes nang pormal siyang ipakilala sa advertisers bilang si Annaliza saginanap na trade event ng ABS-CBN kamakailan. Tuloy tuloy ang pagbuhos ng luha ni Andrea habang naglalakad papunta sa gitna ng entablado habang inaawit ni Liezl Garcia ang theme song ng programa. Aniya, maliban sa nakaaantig na musika ay napaiyak siya dahil sa mainit na pagtanggap sa kanya ng audience. Ngayon lang din umano niya naramdamanna naabot niya na ang matagal niya ng pangarap na maging bida ng isang soap. 

Sa kanyang post sa Instagram, sinabi ni Andrea na “Nangingilid na ang luha ko sa backstage pa lang at nang lumabas ako sa stage at nakita ang mga taong pumapalakpak sakin, tumulo na lang po bigla luha ko kasi dun lang po nag-sink in sa akin na ako naman po ang bida. God is really great!” Kasama rin sa pumapalakpak para kay Andrea ang mga kasamahan niya sa Annaliza na sina Zanjoe Marudo, Denise Laurel, Patrick Garcia,Kay Abad, Carlo Aquino, Khalil Ramos, Sue Ramirez, Kiko Estrada, Shy Carlos, Kyline Alcantara, Jillian Aguila, at Reign Tolentino. 

Ang Annaliza ay isang family drama tungkol sa isang batang puno ngpagmamahal sa kanyang puso at bagamat inaapi, ay patuloy na kumakapit at nananalig sa Diyos. Para sa mga updates tungkol sa Annaliza, manatiling nakatutok sa ABS-CBN, i-like ang Facebook page nito sa https://www.facebook.com/Annaliza2013 , sundan ang@Annaliza2013 sa Twitter at pag-usapan ito gamit ang hashtag na #Annaliza.